Clothing allowance ng mga guro pinadaragdagan

NANAWAGAN ngayon si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa Department of Education (DepEd) na dagdagan ng P1,000 ang clothing allowance ng mga public school teachers at iba pang employado ng kanilang departmento.

Sa kanyang liham kay Education Secretary Armin Luistro, binanggit ni Tinio na batay sa General Appropriations Act of 2012 (Republic Act 10155), pwedeng gamitin ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang badyet upang mabigyan ang kanilang mga empleyado ng “uniform o clothing allowance” na hindi lalagpas sa P5,000 bawat isa kada taon.

Ang clothing allowance ay taunang allotment na ibinibigay sa mga empleyado ng gobyerno kasama na ang mga public school teachers, upang bumili ng official uniforms.

Kadalasan itong ibinibigay sa unang quarter ng taon.

Idinagdag pa ng mambabatas na kailangang dagdagan talaga ang Clothing Allowance ng titser dahil nagmumukha na silang kawawa.

Ani Tinio, mahigit kalahating milyon ang mga public school teacher at tauhan ng DepEd sa buong bansa at P500 din ang kailangan upang madagdagan ang kanilang clothing allowance.

Ngunit naniniwala umano silang magagawan ito ng paraan ni Luistro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply