Co-founder ng Yahoo! na si Jerry Yang nag-resign na

NAG-RESIGN na bilang chief executive officer ang co-founder ng Yahoo! na si Jerry Yang.

Isinumite na ni Yang ang kanyang resignation na may “immediate effectivity” sa board of directors ng higanteng kompanya.

Sinabi ni Yang, na ang 17 taon niya sa Yahoo! ang nakapagbigay sa kanya ng pambihirang pagkakataon ngunit panahon na aniya para gawin ang ibang interes niya sa labas ng kumpanya.

Batay sa Forbes, ang 43-anyos na bilyonaryo ang may-ari ng 3.6% ng shares ng Yahoo! at may net worth na $1.1 bilyon.

Nagpahayag naman na kagalakan si Yang na si Scott Thompson ang ipapalit sa kanyang sa pwesto.

Ang Yahoo! ang isa sa mga naunang bigating website at search engine ngunit kalauna’y nalagpasan ng mga bigatin ding website na Google, Facebook at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply