Comelec-voters registration sa ARMM itinakda

ITINAKDA na ng Commission on Elections (Comelec) ang muling pagpapatuloy ng voters registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Alinsunod sa Resolution 9338 ng Comelec en banc, inianunsyo na muling itutuloy ang pagpaparehistro ng mga botante at validation ng registration records para sa ARMM simula sa Marso 5, 2012.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na panahon ang Comelec para makapagsagawa ng pre-election activities at iba pang preparasyon bilang paghahanda sa May 13, 2013 elections.

Unang itinakda ng Comelec ang voters registration sa rehiyon ng Oktubre 1, 2011.

Gayunman, ipinagpaliban ito kasunod ng mga inihaing petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng Republic Act 10153 o ang synchronization ng ARMM elections sa May 13, 2013 National and Local Elections.

Subalit matapos ang desisyon ng Korte Suprema kamakailan na nagpapatibay sa constitutionality ng Republic Act 10153 at pinayagan na ang pagtatalaga ng Officer-in-Charge sa ARMM ay napagpasyahan ng Comelec na ituloy na ang voters registration sa Marso.

Magtatapos naman ang pagpapatala sa Oktubre 31, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply