Community service tapos na… Bruno Mars absuwelto na sa drug charges

TAPOS na ang 200-oras na community service ng mahusay na Filipino-American pop singer na si Bruno Mars (Peter Hernandez sa totoong buhay).

Dahil dito, absuwelto na ang singer sa kanyang kaso na may kaugnayan sa pagdadala ng cocaine (illegal drugs) noong Setyembre, 2010.

Inihayag ni Atty. Blair Berk, abogado ng singer, tapos na ang community service ng kanyang kliyente.

Sa katunayan aniya, sumobra pa ang singer sa oras na itinakda ng batas.

Complete na rin ang pop star sa drug counseling sessions ng korte

Magugunita na noong Setyembre, 2010, nahulihan si Bruno Mars ng 2.6 gramo ng cocaine sa kanyang bathroom sa Hard Rock Hotel and Casino sa Las Vegas, USA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply