Commuters pabor sa scientific base sa fare hike

SANG-AYON ang grupong National Commuter Council for Protection (NCCP) sa naging hakbang ng transport groups ukol sa scientific basis para madetermina ang fare hike.

“We are very much glad and happy on this welcomed development last the transport sector agreed to use scientific basis to determine the fare,” ayon kay Elvira Medina, NCCP president.

Samantala, muling itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa January 16, 2012 ukol sa fare hike matapos mabigo ang transport groups na isumite ang requirements na hinihingi ng board tulad ng financial statements na nagpapatunay na nalulugi ang jeepney operators kung kaya dapat itaas ang pamasahe.

Tiniyak ng liderato ng LTFRB matapos ang public hearing kanina na walang mangyayaring

fare hike hanggang walang naibibigay na mga katibayan ang transport groups na nalulugi nga sila dahil sa pagtaas ng prices ng diesel at gasoline.

Sa hiwalay na panayam, iginiit naman ni Efren de Luna ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na wala nang dahilan ang LTFRB para ibigay sa transport groups ang P2.00 fare hike matapos mabigo ang representatives ng Board of Investment at Department of Trade na hindi nito obligasyon na i-monitor ang patuloy na pag-taas ng spare parts ng sasakyan lalo na ang presyo ng prime commodities.

Giit ni de Luna, P26.00 pa kada litro ang presyo ng diesel noong huling magkaroon ng fare hike ilang taon na ang nakalipas, samantalang P45.00 kada litro na ang presyo ng diesel sa ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply