Condo ng Tsino pinasok ng magnanakaw

TINATAYANG umabot sa halagang P120,000 ng ari-arian ang nakulimbat sa isang negosyanteng Tsino makaraang pasuking ang kanyang tinutuluyang condominium kaninang madaling-araw sa Makati City.

Sa ginawang pagsisiyasat ng Makati City Police Anti-Robbery Section, winasak ng mga ‘di pa kilalang suspek sa pamamagitan ng patalim ang condominium unit ng biktimang kinilalang si Kim Chang Hae na nasa Triumph Condominium sa Dela Costa street ng nabanggit na lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, dalawang lalaki ang nagpanggap na tenants sa condominium para makapasok sa unit na tinutuluyan ni Kim.

Nang makarating ang mga suspek sa unit, winasak ng mga ito ang kandado ng pintuan at habang nasa loob, kinuha ng mga suspek ang dalawang laptop computer na nagkakahalaga ng P120,000.

Batay sa report ang dalawang suspek ay nakasuot ng bonnet nang pasukin ang unit ng biktima.

Hanggang sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng awtoridad ang naganap na insidente para matukoy ang may kagagawan ng pagnanakaw sa Tsino. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply