Cong. Iggy Arroyo patay sa atake sa puso

NAGLULUKSA ngayon ang Kamara de Representantes kasunod ng pagpanaw ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo dahil sa cardiac arrest.

Sa report na nakalap ng Remate Online, si Rep. Iggy ay namatay sa London, Great Britain ngayong pasado alas-12:00 ng tanghali oras dito sa Pilipinas.

Bagama’t walang kongresista na nais magbigay ng komento hangga’t hindi pa umano opisyal na naipararating sa kanila, kinumpirma naman ito ng liderato ng Kamara.

Sa isang text message ni House Secretary-General Marilyn Barua-Yap, sinabi niyang “opo confirmed na po, details to follow.”

Ang namayapang kongresista ay nakababatang kapatid ni dating First Gentleman Atty. Mike Arroyo.

Edad 60, ipinanganak noong Hulyo 15, 1951 sa Quezon City.

Naulila nito ang kanyang asawang si Alicia Arroyo at tatlong anak na sina Bianca Marie, Dina at Alelu.

Kabilang ang kongresista sa Minority Bloc sa Kamara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply