Congrats sa MPD warrant section (2)

TAHIMIK lang ang mga tauhan ng Warrant Section ng Manila Police District pero maayos nilang nagagawa ang kanilang trabaho kaya marami sa mga wanted ng batas ay hindi nakaliligtas sa kanila.

At isa nga sa pinakahuli nilang trabaho ay ang pag-aresto kay Shiela Pabilonia, na matagal ng wanted dahil nahatulan na nang korte sa kasong panloloko at pag-iisyu ng milyong halaga nang talbog na tseke sa kanyang mga biktima.

Sa napakatagal na panahon ay naiwasan niya ang batas dahil magaling siyang magtago maliban pa sa kumukuha siya ng proteksyon sa biyenan niyang isang kilalang abogado.

Pero nang malaman ng mga taga Warrant Section ang kaso niya noong Biyernes ay hindi sila nagdalawang isip na isilbi ang matagal ng nakabinbing warrant of arrest laban sa kanya.

At sa kabila nang agam-agam na maaring makabangga nila ang bigating abogado na biyenan ng wanted na babae ay buong tapang pero maayos nilang naisilbi ang arrest warrant.

Sa ngayon nakalaboso na ang babae at dahil dito ay tuwang-tuwa ang mga taong nabiktima niya na sumugod pa sa MPD headquarters matapos mabalitaan na nahuli na ang taong nanloko sa kanila.

Binabati ko nga pala for a job well done ang tropa nina SPO4 Venerando Minas Jr., SPO3 Abraham Baltazar Jr., SPO1 Manuel Ferrer, PO3 Jonard Morales at PO1 Raul Alfaro na siyang nagtrabaho para makuha ang wanted at pagsilbihan ang hatol sa kanya ng hukuman.

Dahilan dito, tinatawagan ko sina Chief Supt. Alex Gutierrez na hepe ng MPD at PNP Director General Nicanor Bartolome na bigyan naman ng kaukulang pagkilala o commendation ang mga taga-Warrant Section at iba pang mga kagawad ng pulisya na nagtatrabaho naman ng maayos.

Tingin ko, pag nabigyan ng commendation ang mga taga- Warrant ay hindi magtatagal at si Ret. General Jovito Palparan naman ang babagsak sa kanilang mga kamay.

Ano sa tingin niyo PNP Director Gen. Bartolome at MPD chief/Chief Supt. Gutierrez?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply