Congrats sa MPD Warrant Section

KARANIWAN nang mas marami pa ang balita nang kapalpakan at pagiging abusado nang mga kagawad ng pulisya kaysa sa mga ulat ng maganda nilang nagagawa kaya hindi natin masisisi ang taumbayan kung bakit nababawasan na rin ang tiwala nila sa ating kapulisan.

Pero para sa akin ay naniniwala ako na mas marami pa ring matinong pulis kaysa sa mga tinatawag na bugok na nasa serbisyo, ang problema nga lang ay hindi naman naisusulat ang kanilang mabubuting ginagawa.

Gaya na lang halimbawa nang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na naka-assign sa Warrant Section na nasa ilalim ng pamumuno ni Chief Inspector Rodolfo Fajardo.

Tahimik lang ang mga tauhan ng Warrant Section pero maayos nilang nagagawa ang kanilang trabaho kung kaya’t marami sa mga wanted ng batas ay hindi nakaliligtas sa kanila.

Madalas ay itinataya nang mga pulis ang kanilang buhay bago nila makuha ang mga wanted person pero tila hindi man lang nabibigyan ng papuri o kaukulang pagkilala ang kanilang mga accomplishment.

At isa nga sa pinakahuli nilang trabaho ay ang pag-aresto kay Shiela Pabilonia, na matagal nang wanted dahil nahatulan na ng korte sa kasong panloloko at pag-iisyu ng milyong halaga nang talbog na tseke sa kanyang mga biktima.

Sa napakatagal na panahon ay naiwasan niya ang batas sapagkat magaling siyang magtago maliban pa sa kumukuha siya ng proteksyon sa biyenan niyang isang kilalang abogado. (Itutuloy)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply