Conjoined twins na iniluwal sa Cotabato, namatay na

PUMANAW na ang conjoined twins na iniluwal ng isang 39-anyos na Maguindanaon, kaninang umaga, ayon sa payahag ng mga kamag-anak at hospital authorities.

Sinabi ni Rahima Kamaong, ina ng kambal na iniluwal niya ang dalawa noong nakaraang Sabado sa pamamagitan ng ceasarian section sa Cotabato Medical Specialist Hospital (CRMC), ay namatay dakong alas-6:00 ng umaga kanina.

Kinumpirma naman ng mga medical staff ng government-run Cotabato Regional and Medical Center ang pahayag ng naturang ginang pero ang dahilan ng pagkamatay ng kambal ay hindi naman sinabi.

Ang mga sangggol na sina Nurhiwa at Nurkidz Kamaong, na naunang sinabi ng hospital authorities na underweight o kulang sa timbang at nasa kritikal na kondisyon nang sila ay iluwal ay isinalang sa mahigpit na pagbabantay sa CRMC’s neonatal section.

Sinabi naman ni Sultan Kamaong, ang tatay ng kambal na ang dibdib ng kambal ay magkadikit pero mayroon itong sari-sariling ari o genitals.

Plano aniya nilang dalhin ang kambal sa Manila para paghiwalayin sa pamamagitan ng isang surgery pero dahil sa kawalan ng pera ay hindi natuloy.

Umapela na rin sila sa boxing icon at ngayon ay Kongresista na si Manny Pacquiao para sila ay tulungan pero hindi umano dininig nito ang kanilang problema.

“But now they’re gone, we are very sad,” pahayag ni Sultan.

Inilibing na rin agad kaninang umaga ang kambal sa isang pampublikong sementeryo sa Shariff Kabunsuan, Maguindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply