Consumer protection vs Meralco ipinanukala

TINATAYANG aabot sa bilyong piso ang nawawala sa mga consumers ng Manila Electric Company  Meralco bunsod ng sobra-sobrang sinisingil nito sa loob ng mahabang panahon kaya ipinanukala na ang regular auditing sa mga power utilities/distribution.

Ang panukala ay kasunod ng isiniwalat ni Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo na base sa audit report ng Commission on Audit (COA) ay nakapagtala ang Meralco ng P8 bilyon noong 2004 at P4 bilyon noong 2007 na kita mula sa sobra-sobrang sinisingil nito sa may 4.5 milyong consumer.

Iginiit ni Castelo na panahon na para amyendahan ang Republic Act 3019 o mas kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act upang mapalawak ang sakop nito.

Target ng inihain niyang House Bill No. 5716, na bigyan ng proteksyon ang mga end-user, consumer at customer ng Meralco. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply