Contempt order vs Abalos iaapela

IAAPELA ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos at abogado nito ang 10 araw na pagkakakulong na ipinataw ni Pasay Regional Trial Court Judge Jesus Mupas dahil sa kasong contempt.

Una ng pinagpaliwanag noon ni Mupas si Abalos at Atty. Brigido Dulay kung bakit hindi nararapat mapatawan ng parusa ang mga ito sa kanilang alegasyon na tinangka umano ng huwes na humingi ng suhol kapalit ng paborableng desisyon sa kaso ni Abalos.

Samantala, kinumpirma naman ni RTC Branch 112 court sheriff Rodelio Buenviaje na ipinadala ng korte ang contempt order laban sa mga respondents sa National Bureau of Investigation (NBI).

Maliban dito, ipinag-utos din umano ni Judge Mupas sa NBI na maimbestigahan ang sinasabing extortion attempt na isinusumbong ni Abalos.

Si Abalos ay kasalukuyan ng nakapiit sa Southern Police District headquarters sa Taguig City dahil sa kasong electoral sabotage. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply