Contempt sa House panel ibabasura

MALAKI ang posibilidad na ibasura ng Impeachment Court ang mosyon ng isang pribadong abogado na humihiling na parusahan ng contempt ang buong House presecutor’s panel sa paglalantad ng ebidensiya laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa panayam, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na sablay ang mosyon ni Atty. Fernando Perito dahil wala siyang kinalaman sa kaso at hindi naman siya abogado ng panel at ni Corona.

“He has no locus standing as we call it in law. He has no standing before the Senate court, he’s not a lawyer for the House of the Representatives nor a lawyer for the defense,” pagdidiin ng Senate President na tumatayong presiding officer din ng Impeachment Court.

Sinabi ni Enrile, na sablay ang mosyon ni Perito dahil dapat naghain muna ito ng motion to intervene bago maghain ng mosyon upang parusahan ang House panel sa pamamagitan ng contempt power ang Impeachment Court.

Dahil dito, sinabi ni Enrile na kanyang ihahain sa Impeachment Court na resolbahan kaagad ang mosyon ni Perito upang makaluwag sa bagahe ang Senado na nakatakdang magbukas ng sesyon sa Lunes, Enero 16.

“I will ask the members of the Senate to dispose of it,” wika ni Enrile.

Sa siyam-na-pahinang inihain na urgent motion, hiniling ni Atty. Perito sa Impeachment Court na patawan ng kaparusahan ang mga miyembro ng prosekusyon ng Kamara bunsod ng umano’y kawalan ng paggalang sa korte nang ilantad sa press conference ang ebidensiya laban sa punong mahistrado

Partikular na nilabag umano ng prosekusyon ang Rule 18 ng Rules and Procedure ng Impeachment Court na nagbabawal sa magkabilang partido na magkomento o isapubliko ang merito ng kaso.

Binigyang-diin pa ng abogado na may kapangyarihan ang Senado bilang Impeachment Court na magpataw ng contempt charges laban sa inasal ng prosekusyon matapos maisampa sa korte ang walong articles of impeachment laban kay Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply