Controversial na action star rich na naman dahil may big time sugar mommy

UY, MAY scoop tayo my BFFT Pete A. tungkol sa controversial action star na medyo nagiging in-demand na uli sa kanyang showbiz career. Say pa ng ka-close naming impormante na negosyante at kilala sa kanyang larangan, diumano ay may bagong big time sugar mommy itong si action star na donyang-donya sa pagiging shipping magnate.

Aba! Maging owner ka ba naman ng mga barko eh, super yaman ka nga talaga. Ang swerte-swerte talaga ng nasabing actor dahil patay na patay sa kanyang kamachuhan ang tinutukoy nating benefactress nito. Bakit? Ano kaya ang sikreto ng action star na ito at pinagkakaguluhan talaga siya ng mga matrona noon at ngayon.

Anyway, sunod daw talaga ang lahat ng luho nito sa sugar mommy na base sa kuwento ng ating impormante ay medyo Lolah na.

Meaning nasa 60’s na ‘yung girl na nati-take namang patulan ni actor. Pero hindi ‘yan ang ikinaka-worry ng mga amigo’t amiga ni Lolang shipping magnate kundi baka utang-utangan din siya ng kanyang lover boy na celebrity. For sure, dahil super in-lab siya rito ay bibigay siya. Hay pag-ibig gyud!

***

Angel Locsin at John Lloyd Cruz nagpa-sexy sa ‘Unofficially Yours’

PINAG-UUSAPAN ang daring poster ng latest movie nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na “Unofficially Yours” sa Star Cinema.

Diaryo lang kasi ang nakatakip sa maseselang bahagi ng katawan nina Angel at Lloydie kaya bago ito sa paningin ng lahat. Pero bago mag-isip ang iba na full lenght sexy movie ito ay hindi naman kundi kakaiba ang tema ng romantic-comedy film na ito na bale pang-Valentine Offering ng Star Cinema ngayong 2012. Last Sunday sa The Buzz sa exclusive tell all interview ni Kuya Boy Abunda kay Lloydie, sinabi ng actor na actually matagal bago nabuo ang pelikulang ito nila ni Angel kasi hindi pa ready ang audience sa ganitong tema o istorya ng film nila. And finally nakarating na ito sa mesa ni Ma’am Malou Santos at nakatakda ng ipalabas sa February 15 sa mahigit 100 theaters nationwide. This time tiwala ang creative team ng Star Cinema na handa na ang audience sa newest romantic-comedy film nilang ito na obra ng favorite blockbuster lady director ni John Lloyd na si Cathy Garcia-Molina.

Nang tanungin naman ni Kuya Boy si Lloydie kung gaano siya ka-sexy sa movie nilang ito ni Angel, pabirong sagot pa ng mahusay na actor kung napanood natin ang “No Other Woman” ay kasing sexy raw ni Derek ang mga eksena niya. Pero biglang bawi pa nito hindi raw kundi pang direk Bobot Mortiz lang daw siya na kasama nila sa pelikula.

At sexy raw ang tingin niya sa kanyang sarili kapag naka-cologne siya. Pero si Angel ayon pa sa actor ay effortless ang pagpapa-sexy rito dahil number one sexiest raw kasi ang kapartner na actress. Basta maganda raw ang film nilang ito na tumatalakay sa casual relationships. Na nang magtagpo ang landas nila ni Angel na isang liberated na babae ay hindi na niya tinantanan pero okey lang na may nangyari sa kanila pero walang commitment. Dito na magsisimula ang katatawanan at ang kanilang sexy love story na first time ever lang na nai-produce.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply