Corona dapat ma-impeach at snatcher sa Navotas

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na maihayag ng ating mga reader ang kanilang mga pananaw, karanasan o karaingan.

Pero bago natin gawin ito, habang tinitipa natin ito, inianunsyo ni ex FG Mike Arroyo na talagang patay na si Cong. Iggy Arroyo.

Dahil dito, kahit na gusto natin siyang maimbestigahan sa mga kasong Jose Pidal at segunda manong mga helikopter, wala tayong magagawa kundi sabihin sa kanyang mga pamilya: Condolence po!

CORONA DAPAT MA-IMPEACH

Dapat lang na ma-impeach si Corona. Kung nasabi niya na diktador si PNoy, ito’y dahil yung bintang niya ay dinanas niya kay GMA! Inililigtas niya ang sarili niya sa paggamit sa institusyon at pag-impluwensiya sa iba para ipagtanggol siya! Natural lang na mag-appoint si PNoy ng chief justice. Dahil si GMA  ay nag-appoint din ng gusto niya. Siya ang nagpapagulo sa institusyon kaya dapat siyang ma-impeach!

Hindi na mangmang ang mamamayan para bolahin niya! Isa siyang midnight appointee.
Ibig sabihin iligal ang pagkaka-appoint sa kanya, bakit niya pa rin tinanggap!
Malinaw na mali ang proseso ng pagka-appoint sa kanya ni GMA!

Kung talagang totoo na gusto niyang iligtas ang institusyon, umalis siya sa institusyon!  Dapat magkaroon ng malaking rally para ipakita ang suporta sa impeachment! Huwag niyang kalimutan na si PNoy ay may mandato ng mamamayan. Si Corona appointed lang ni GMA na kuwestiyonable rin sa naging posisyon!

PNoy has the peoples mandate while Corona has GMA’s annointment who is now behind hospitals concrete walls! Calling all justices, lawyers and the IBP, let’s all save the institution not the appointed one! +63947427….

SUHESTYON SA ID SYSTEM

Ang akin po ay suhestiyon lang. Tungkol po sa National ID system. Kaysa po pagtalunan pa e bakit di na lang po gumawa ng form na nakalagay lahat ng gustong malaman sa isang tao. Ibigay ito sa mga ahensiya ng gobyerno katulad ng LTO, SSS, GSIS, NSO, Municipal hall, at iba pa na kapag pinuntahan ng tao e makukunan na ang ID. Pagkatapos ipadala sa ahensiya ng gobyerno  gaya ng NBI,  PNP at iba pa kung saan magkakaroon na ng bangko ng identification. Antonio G. Garcia, City of San Fernando, Pampanga. +63908310….

NAGPAPASALAMAT KAY TSERMAN

Magandang gabi po. Gusto ko lang pong magpasalamat, ganun na rin po sa mga magulang, kay Brgy. Gaya-Gaya Captain Jojo Gerona dito po sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ibinigay niya po agad ang hiniling kong gulong na gagamiting humps sa harap ng eskwelahan namin dito sa Towerville 6B. At least, hindi na po kami kakaba-kaba na kahit  hindi namin ihatid ang mga anak namin, safe na sila sa pagtawid sa kalsada. Mabuhay ka, Kap. Gerona. Si Rodel Navelgas po ito.  +63908265….

WALA NAMANG PINAKUKULONG

Good pm po. Tanong ko lang po sa gobyerno natin. Bakit po kaya puro imbestiga sila, wala naman silang ipinakulong na magnanakaw sa gobyerno? Dapat po binabawi ang mga kayamanan nila at idagdag sa pondo ng gobyerno dahil puro nakaw naman nila iyon tulad po nina  Garcia, Ligot, Ampatuan, Gloria at marami pang iba.

At puna ko rin po, bakit hinahayaan ng gobyerno natin ang mga absent nang absent sa trabaho? Dapat po aksyunan yan. Isa na riyan si Pacquiao. Tanga ba talaga ang gobyerno natin? Marami na po tayong problema lalo na ngayon puro kalamidad ang nagaganap.

Kaya sana magtrabaho naman sila. Dapat po tinatanggal na yang mga wala namang naitutulong sa mga naghihikahos na taumbayan.

Tulad nalang po ni Pacquiao, ano ang naitutulong niya sa mga biktima ng kahirapan? Bayani po ba yan na maituturing eh ni hindi nakapagdo-donasyon ng mga relief good.  Pakibanat po, Sir Benny. Idol ka po namin dito sa Rizal. +63909868…

NADUDUWAG SI PACQUIAO

Good day po! Boring ang laban kung ang pipiliin ni Pacquiao ay yung nakalaban na niya. Naduduwag lang si Pacquiao kay Mayweather, hindi pala si Mayweather ang naduduwag sa kanya. Sina Pacquiao at Arum, mahilig sa rematch, ang daming puwedeng kalabanin. Ayaw din ni Arum na makalaban ni Pacquiao si Mayweather kasi takot matalo.

Hindi, pinahahalagahan ni Arum ang boksing, sa kanya ay magkapera lang. So mukhang pera kahit matanda na. Para sa aming mga fan, dapat maglaban sina Pacquiao at Mayweather para mapatunayan kung sino ang tunay na pound for pound king. Pero malabong matuloy, kasi ayaw ng kampo ni Pacquiao. Kung gusto ng kampo ni Pacquiao noon pa dapat. So mga fan, niloloko lang tayo nina Arum at Pacquiao. Wala silang isang salita. Sabi ni Pacquiao kahit sino lalabanan niya. Sana matalo na si Pacquiao sa next fight niya. +63928292….

DILIM AT ADIK SA BINANGONAN

Ginoong Antiporda, pakikalampag naman ang kapitan namin sa Pila-Pila, Binangönan, Rizal. Mga poste walang ilaw, mga addict sa gabi perwisyo at naglipana. Pakiaksyunan naman po. +63905732….

SNATCHER SA NAVOTAS

Mayor Toby Tiangco ng Navotas City, isa ako sa mga biktima ng mga snatcher diyan sa loob ng Navotas Fishport Complex. Ang daming snatcher diyan na nakatambay sa tapat ng dating Araw-Gabi Store, katabi ng IDSFA  BLVD. Kung maari po pakilagyan n’yo ng Police Outpost diyan para mahuli ang mga snatcher na nananamantala lalo sa araw ng bigayan ng bonus at sahod. +63919420….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply