Corona dapat mag-leave– ex-Sen. Saguisag, IBP

NANAWAGAN ngayon si dating Senador Rene Saguisag at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu chapter kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na mag-leave habang isinasagawa ang impeachment trial upang hindi na makaladkad pa ang sangay ng hudikatura.

Ayon kay Saguisag ang reklamo ay direktang nakatuon kay Corona kaya hindi marapat na gamitin nito ang resources ng SC.

“The Chief Justice should stop using court personnel, time and resources. There are a lot of pending cases in the Supreme Court,” ayon kay Saguisag sa pagsasabing pangunahing gampanin ng korte ay ang resolbahin ang mga kaso.

Batay sa record may 600,000 kaso sa iba’t ibang korte sa bansa.

“What happened yesterday (Monday) was saddening. That’s why it is very important for us to know if he should go on leave, let the court do its task, decide cases, and not really waste the time in support of one person,” giit pa ni Saguisag.

Kasabay ng panawagan ni Saguisag ay nanawagan naman ang IBP Cebu sa isang resolusyon na umaapela kay Corona na mag-leave na.

Sinabi naman ni Aurora Rep. Sonny Angara, spokesperson ng prosekusyon, na matagal na nilang ipinapanawagan na mag-leave ang punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply