Corona ikakanal ng tax records sa impeachment

MALAKI ang posibilidad na tuluyang makanal si Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial sa napipintong pagtestigo ni Internal Revenue Commission Kim Jacinto-Henares hinggil sa income tax return ng punong mahistrado.

Sa pahayag, sinabi ni Quezon Rep. Eirin Tanñda, isa sa tagapagsalita ng House prosecution panel na tila kinakabog na si Corona sa pagkalkal ng impeachment court sa mga ITR at iba pang tax records ng punong mahistrado na nakatakdang simulan bukas, Martes.

“Kitang-kita sa mga hakbang ng depensa ang pagharang sa bawat ebidensiyang inilalabas ng prosekusyon,  subalit dapat talagang kabahan si Corona dahil nakatakda na ring sumalang sa witness stand si Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto Henares,” ayon kay Tanada.

Sinuportahan naman ni Marikina City Rep. Federico Quimbo ang pananaw ni Tañada sa pagsasabing mahalagang mabusisi ang tax records ni Corona upang mapatunayan ang alegasyon ng mga nakaw na yaman nito sa ilalim ng Article 2 ng impeachment case laban sa punong mahistrado.

Ang ITR ay dokumentong nagbibigay ng impormasyon sa mga nangungulekta ng buwis hinggil sa kakayanang pinansiyal ng isang taxpayer.

Reklamo ng prosekusyon, maraming pag-aari si Corona na hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula pa noong 2002 at hindi tumutugma sa kanyang taunang kita bilang kawani ng gobyerno.

Sa pamamagitan ng records mula sa Bureau of Internal Revenue, nakatakdang patunayan ng prosekusyon na na hindi tugma ang tax payments ni Corona sa mga idineklara sa kanyang SALN.

Paliwanag pa ni Quimbo, paulit-ulit lamang ng argumento ang depensa sa pagharang sa pagsisiwalat ng mga dokumentong nagpapatunay ng mga nakaw na yaman ni Corona at kanyang pamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply