Corona nasa Impeachment Court na

DUMATING na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Senado para sa unang araw ng pagdinig ng impeachment case.

Pasado ala-dose pa lang ng tanghali ay nasa Senado na ang punong mahistrado.

Kasama ng punong mahistrado ang kanyang may-bahay na si Cristina at mga anak na sina Carla at Francis.

Bukod sa pamilya, kasama rin ni Corona si SC spokesman Midas Marquez.

Una nang inihayag ni dating associate justice at defense lead counsel Serafin Cuevas na dadalo sa pagdinig ngayon si Corona upang ipakita sa taumbayan na nakahanda itong humarap sa mga nag-aakusa sa dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply