Corona pinatetestigo sa impeachment court

HINAMON ng House prosecution panel si Chief Justice Renato Corona na huwag lamang dumalo sa pagdinig ng Impeachment Court kundi tumestigo upang makatulong sa paghahanap ng katotohanan.

Sa ikalawang press briefing pagkatapos maisara ang Impeachment Court kanina, sinabi ng miyembro ng House panel spokesperson na mas makabubuti kay Corona na tumestigo sa mga susunod na paglilitis.

“We hope he will not only attend the trial, but he should also testify, “ ayon kay Aurora Rep. Juan Edgardo Angara.

“Dapat maging bahagi si Chief Justice Corona sa poaglalahad ng katotohanan,” dagdag ni Angara.

Sinabi naman ni Marikina City Rep. Federico Quimbo na natuwa ang prosecution panel sa inasal ni Corona nang dumalo ang punong mahistrado sa unang araw ng paglilitis kasama ang kabiyak na si Cristina.

Ngunit,  medyo dismayado naman si Quimbo nang matunghayan ang miyembro ng defense panel ni Corona dahil puro topnortcher at de kalibreng abogado ang haharapin ng House prosecution panel sa mga susunod na panahon.

Nilinaw pa ni Quimbo na hindi inaatake ng impeachment trial ang buong Hudikatura kundi nakatuon lamang ang paglilitis kay Corona upang mailantad ang sinasabing pagpapayaman nito sa poder bilang punong mahistrado sa loob ng apat na taon.

“We are not attacking the Judiciary, we are after the Chief Justice for his acts for many years,” ayon kay Quimbo.

“Nakakalungkot nga at nakakagulat ang sinabi nilang kailangan pang patayin si chief justice Corona upang matanggal siya sa puwesto na itinutulak pa nila ang taumbayan upang mailagay sa kanilang kamay ang batas,”  patapos ng kinatawan ng Marikina.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply