Corona pumalag nang ikumpara kay Hudas

NANAWAGAN ang kampo ni Chief Justice Renato Corona dahil sa pagkakahambing nito kay ‘hudas’

Ito ay hinggil sa opening statement ni House Prosecution Panel Chief Rep. Neil Tupas, Jr. kung saan ikinumpara nito kay Hudas Eskaryote ang punong mahistrado.

Ayon sa tagapagsalita ni Corona na si Atty. Karen Jimeno, hindi dapat gawing personal ang labanan at sa halip ay ang dapat pinag-uusapan ay ang merito ng kaso.

Matatandaang kahapon (Enero 17) ay harapang inihambing ni Tupas si Corona kay Hudas dahil ipinagpalit aniya ng punong mahistrado ang Pilipinas para sa iilang piraso ng pilak. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply