Cotto umaasang makahaharap muli si Pacman ngayong taon

UMAASA pa rin umano si Miguel Cotto na makahaharap niya si Manny “Pacman” Pacquiao ngayong taon.

Ito ay dahil kabilang siya sa inilatag na listahan ni Bob Arum na isa sa mga makakaharap ng Pambansang Kamao ngayong taon.

Aniya, sa ngayon ay naghihintay pa rin siya ng offer mula sa kampo ni Pacman o kaya sa kampo ni Floyd Mayweather, Jr.

“Right now, we are waiting to listen to offers to see what’s best for us,” ayon kay Cotto, kasalukuyang WBA junior middleweight champion.

Sa kasalukuyan ay free agent si Cotto kaya walang makakaharang sa kanya maski sino kina Pacman at Mayweather ang nais niyang makaharap.

Kumikilos na rin naman ang kampo ni Oscar de la Hoya para kay Cotto kung saan hinihingi nila ang pulso ng mga boxing fans kung sino kina Pacquiao at Mayweather ang gusto nilang makaharap ni Cotto.

Sina Cotto at Pacquiao ay naglaban noong 2009 kung saan nanalo ang Pinoy pug via 12th round KO.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply