Crew ng ‘Walang Hanggan’ sugatan sa aksidente sa Batangas

TINATAYANG tatlong television crew ng teleseryeng “Walang Hanggan” ng ABS-CBN ang nasugatan makaraang maaksidente ang kanilang sinasakyan sa Talisay, Batangas kaninang madaling-araw, Enero 9.

Nabatid na galing sa location shoot sa Tagaytay ang nabanggit na grupo nang mawalan ng preno at tumaob sa isang kurbandang daan sa Barangay Banga.

Agad na isinugod sa St. Andrew Hospital sina Ronald Salindong, Romeo Catansan at Edwin Valiente, na pawang empleyado ng GLC Truck and Equipment, contractor na nagsu-suplay ng mga sasakyan at gamit para sa location shooting ng nasabing teleserye.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply