Crime rate bumaba, PNP pinapurihan

PINAPURIHAN ni Executive Sec. Jojo Ochoa ang Philippine National Police dahil sa nagawa nitong maibaba ang bilang ng krimen sa bansa noong nakaraang taon subalit kanya ring hiniling sa mga opisyal ng pulisya na higit pang pag-ibayuhin ang kampanya para sa pagkakaroon ng matatag na “peace and order situation” sa mga susunod na taon.

Ang ginawang pahayag ni Ochoa ay tugon sa isang ulat na inilabas ng PNP na nagpapakita na bumaba ang krimen sa buong bansa ng 23.36 porsiyento noong 2011 kung ikukumpara sa sinundang taon.

Makikita sa opisyal na datos ng pambansang pulisya na ang krimen noong nakaraang taon ay bumaba sa 248,378 mula sa naitalang 324,083 noong 2010.
Binigyang-diin ng PNP na ang bilang ng krimen noong nakaraang taon ay halos kalahati ng naitalang krimen na 502,665 noong 2009.

Abot-abot ang papuri ni Ochoa, pinuno  ng Cabinet Cluster on Security, Justice and Peace at Presidential Anti-Organized Crime Commission, sa mga hakbang na isinagawa ng PNP sa paglaban sa krimen subalit kanyang hinimok ang 140,000 Strong Police Force na ipagpatuloy ang pagkakaroon ng tinatawag na “sustainable crime prevention and reduction strategies.”

Idinagdag pa ni Ochoa na dapat pamarisan ng mga tagapagpatupad ng batas ang halimbawang  naipakita ni Pang. Noynoy Aquino sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno.

UNTOUCHABLE KAPITAN NG CAVITE

Walang humpay ang operation ng lotteng at bookies ng karera nina Kap. Randy at Kap. Magno ng lalawigan ng Cavite.

Malaki ang linggguhang ‘tara’ nina Kap. Randy at Kap. Magno sa bagman/collector ni PDSupt. John Bulalacao na si Marlon Garcia. Kung ‘di ito totoo kumilos kayo, Supt. Bulalacao.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o kaya i-email juandesabog@ yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply