Crime rate sa Pinas bumaba ng 23%– PNP

IKINATUWA at ipinagmamalaki ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng crime rate sa bansa ng 23 porsiyento kung ihahambing ito noong 2010.

Batay sa ulat na ipinalabas ng PNP, na mula sa naitalang 86,036 na kaso na “crimes against person” noong 2010, ay umabot lamang sa 59,860 ang naitalang insidente nitong nakalipas na taon (2011).

Kabilang sa mga halimbawa ng crimes against person ay ang mga kaso ng pagpatay, panggagahasa, pangingidnap, pananakit at iba pang kaso na tao ang binibiktima.

Maliban dito ay bumaba rin ang bilang ng naitalang crimes against properties o krimen laban tulad ng pagnanakaw, carnapping at snatching.

Nitong 2011, ay 97,671 lang ang naitalang kaso habang noong 2010 ay nakapagtala ng 118,943 kaso.

Ipinagbubunyi rin ng PNP ang pagtaas ng kanilang crime solution efficiency o bilang ng mga kasong nasosolusyunan na mula 18.90% noong 2010 ay naging 29.32% nitong nakalipas na taon.

Ayon sa PNP< mulat na ang mga tao sa kriminalidad ngayon kaya malaki ang naitutulong nito sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply