Curfew sa Maynila hihigpitan pa

TINIYAK ng lungsod ng Maynila na mas hihigpitan pa ang pagpapatupad ng curfew ordinance na nagbabawal sa mga menor de edad na gumala sa lansangan mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ngayong bakasyon.

Ayon kay Manila Mayor Alfedo Lim, malapit na ang bakasyon ng mga estudyante kung kaya’t inaasahan din ang pagdami ng mga menor de edad sa lansangan hanggang sa masangkot sa iba’t ibang gulo.

Paliwanag ni Lim, posibleng maging biktima ang mga menor de edad kung hahayaang gumala sa lansangan ng disoras ng gabi kung kailan kadalasang nagaganap ang gang wars at rambol.

Maging sina Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez, barangay bureau director Atty. Analyn Buan at Social Welfare chief Jay dela Fuente ay inatasang ituloy ang kampanya at pagpapatupad ng ordinansa lalo na ngayong bakasyon.

Maaaring makulong ang sinumang lalabag bukod pa sa multa na P2,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply