DA babantayan ang presyo ng mga gulay

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng mga gulay dahil sa ulat na nakarating sa kanila na nagtaasan ang presyo ng mga ito pagkatapos ng Christmas season.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup, na hindi dapat gumalaw ang presyo ng mga gulay lalo na ngayon na wala naman dahilan para itaas ang presyo nito.

May mga naniniwala na sinasamantala ng mga nagtitinda ng gulay ang pagka-umay sa karne ng mga mamimili kaya gulay ang pinipiling bilhin.

Nilinaw ni Salacup, na kung ano ang presyo ng mga gulay noong panahon ng Kapaskuhan, ay dapat na ganoon pa rin presyo nito ngayon at dapat na pababa pa ito.

Ayon rin kay Salacup, kung may mga gulay na ang tumaas ang presyo, ito ay iyong mga galing sa Northern Luzon o mga highland vegetables dahil sa ulat umanong natatanggap ng DA na patuloy pa rin ang pag-ulan doon na nakaaapekto sa produksyon nito.

Nanawagan din ang ahensya na agad na i-report sa kanilang tanggapan ang mga nagtataas ng presyo ng mga gulay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply