Dagdag kontribusyon sa SSS, pinag-iisipan pa

INAMIN ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na pinag-aaralan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang kagustuhan ng Social Security System na dagdagan ng hanggang ang 0.6 % ang kontribusyon ng mga miyembro nito sa first half ng taon.

Sa ngayon aniya ay hindi pa makapagdesisyon ang pangulo dahil may kailangan pang balansehin na detalye sa naturang proposal.

Pero tiniyak ni Lacierda na kung anuman ang magiging pasya ni PNoy ay dadaan sa masusing konsultasyon at pag-aaral ang kahilingan ng SSS.

Samantala, bukod sa karagdagang kontribusyon may bagong Amnesty Program ang SSS sa mga miyembro nito, empleyado man, self-employed o voluntary members na may mga overdue nang utang.

Simula sa Abril 2, maaaring magbayad ng utang ang mga miyembro nang walang babayarang anumang multa o penalty.

Sakop ng amnesty program ang mga overdue ng salary, calamity, emergency, educational, study-now-pay-later, stock investment at privatization fund loans.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply