Dagdag sa kontribusyon sa PhilHealth ng OFWs binatikos

BINATIKOS ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pamunuan ng PhilHealth sa tila pagkagahaman nito sa pagtataas ng singil sa mga miyembro nitong overseas Filipino worker ( OFW) na aabot sa 150%.

Ayon kay Pimentel, sa kasalukuyan ay sinisingil ang bawat miyembro na OFW ng halagang P900 subalit sa Hulyo ay aabot na ito sa P2,400.

Ani Pimentel, hindi makatuwiran ang gagawing pagtataas ng singil ng pamunuan ng PhilHealth sa mga OFW at iginiit na dapat itong imbestigahan sa Senado.

Dagdag pa ng senador na karagdagang pasang krus ito sa mga bagong bayani na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at nag-aakyat din ng kaban sa bayan na kung saan ang kanilang kontribusyon na P530 milyon sa Overseas Workers Welfare Administration ay inilipat sa PhilhHealth noong March at April 2005.

“It is imperative that the OFWs voices be heard on this matter of raising PhilHealth premiums because this severely affects their already dire financial situation,” ani Pimentel.

Sinabi pa ng senador, na ang ginawang pagtataas ng singil sa OFWs ng PhilHealth ay isa lamang dagdag sa marami ng mga sinisingil sa kanila, na nagiging dahilan upang tuluyang hindi na sila bumalik sa Pilipinas.

Iginiit din ni Pimentel na hindi napakinggan ang panig ng mga OFW sa naturang pagtataas ng singil kung kaya’t dapat na manghimasok ang Senado upang marinig ang panig ng mga ito at mabatid kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang kabuhayan.

“The increase is not only very steep but it is also very abrupt. I’d like to know how many OFW groups did PhilHealth consult and when such consultations took place,” wika pa ni Pimentel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply