Dahil sa isyu sa kanyang pagkalalaki… Bagong TVC ni sikat na actor frozen delight na?

ANG ganda-ganda pa naman daw sana ng bagong TV commercial ng sikat at morenong aktor kasama ang sikat ding aktres na magkaparehas ng network. Kaso mo bigla uling nabuhay ang isyu sa pagkalalaki ni aktor kaya frozen delight na raw ang nasabing commercial na may kinalaman sa komunikasyon. Pero kahit sabihin pang bayad ang dalawang bida sa endorsement nilang ito, talo pa rin si aktor kasi hindi magandang senyales ito para sa kanyang career ngayong 2012.
Kahit nga ‘yung kilalang bank na ilang years na nitong iniendorso nagdadalawang-isip na rin daw kung itutuloy pa siya o hindi? Pansinin nyo, magmula nang pumutok ang gender issue na ‘yan madalang pa sa patak ng ulan ipalabas ang mga old TVC ni actor.

Meaning, naka-apekto talaga sa advertising world ang mga malisyosong balita tungkol sa bida sa blind item nating ito. Pero pasasaan ba’t malilimutan din ng publiko ‘yan at balik sigla na uli ang career ng controversial actor na tinitilian pa rin ng girls. Wapak and agree gyud!

***

Aiko Melendez busy sa kanyang career kaya no time for love

FOR sure sa ganda ng feedback ng partisipasyon ni Aiko Melendez sa teleseryeng ang taas-taas ng rating na Reputasyon na pinagbibidahan ni Cristine Reyes kung saan gumaganap ito hindi lang bilang contravida kundi may pagka-diabolical pa ang kanyang role na gagawin ang lahat dahil sa kayamanan kasehodang makapatay siya ng tao.

Tiyak na mabibigyan ng follow-up project si Aiko sa Kapamilya. Honestly, sa Reputasyon napatunayan ni Aiko na hindi lang siya pang-bida kundi kaya niyang gumanap sa villain role, na talagang kaiinisan mo siya tuwing winawalanghiya nito ang pamilya ni Agnes delos Santos (Cristine). Ngayon ay wala na siyang kawala at malapit ng matapos ang kanyang kasamaan bilang si Gobernadora Catherine Villamayor sa serye. Lalo na ngayong nagtagpo na muli ang nagmamahalang kapatid nito na si Henry (Rayver) at Agnes kung saan ipinagtapat na ni Henry kay Agnes ang lahat-lahat tungkol sa kanyang Ate Catherine. At sa puntong ito malapit na ring malinis ng dalaga ang dinungisang pangalan niya ni Gov. Villamayor.

Mapapanood ang Reputasyon tuwing hapon sa Kapamilya Gold bago umere ang Maria la del Barrio nina Erich Gonzales at Enchong Dee na nagre-reyna rin sa ratings sa kanilang time-slot. By the way, tungkol naman sa lovelife ni Aiko, nakikinita na naming tatawa na lang ito kapag tinanong siya sa bagong girl ng ex na si Mayor Patrick Meneses in the person of Nikki Valdez. Yeah. Si Nikki na raw ang bagong “apple of the eye” ni Mayor Patrick.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply