Dahil sa trauma kay direk, wala nang ligo-ligo… Aktres wisik-wisik lang go na sa shooting

VERY proud daw ang baguhang aktres dahil ang magaling na direktor ang siyang may hawak ng bagong soap na ginagawa nito ngayon.

Actually, matagal na raw nitong hinahangaan ang direktor na ‘to. Although may balita na siyang nasasagap noon pa na istrikto talaga pagdating sa set ang una. Kaya nang malamang ito ang magdidirehe ng kanyang bagong proyekto, itinanim umano nito sa kanyang isipan na dapat niyang galingan ang pag-arte.

Nang gumiling na ang kamera, ang akala ng aktres na sapat na ang galing nito sa pag-arte para sa panlasa ng direktor ay hindi pa pala.

Dahil sa kahinaan daw ng hitad sa pag-arte, parati itong nabubulyawan at namumura ni direk. Sa isang buong araw ng shooting ay laging nasa tabi raw ng hitad ang mataray na baklitang direktor para tutukan at giyahan siya sa akting.

Hitsurang tumutulay sa alambre ang aktresa. Para siyang manok na hindi malaman kung saan mangingitlog kapag nasa tabi niya si direktora. Hahaha!

Ga-mais daw ang pawis ng lekat sa tuwing may eksena ito. Feeling nito pang-mahal na araw ang sinu-shoot nya dahil sa tindi ng mga pinagagawang pag-emote sa kanya ng over akting kung magmandong direktor. Giatay!

Maging ang pagpunta sa set ay dusa para sa aktresa. Kailangan daw nitong mauna ng ilang oras kay direk para makapaghanda siya sa mga gagawing eksena. Tuloy dahil daw sa pagmamadali, wala na itong ligo-ligo, wisik-wisik na lang daw ng tubig ay ayos na.

Ang aktresang ito ay hindi rin perpekto sa iyakan. Pero nagagawa nitong humagulgol at pumalahaw ng iyak sa harap ng kamera makita lang nito ang pagmumukha ng mukhang halimaw sa pag-uugaling direktor. Hehehe!

Sinetch si direktor at ang aktresang natu-trauma na?

***

Natigil ang ilusyon ni Uge

ITO namang si Eugene Domingo na feeling ang galing-galing na niya sa lahat, natameme nang hindi man lang mapabilang sa semi-final screening ng Oscar Awards ang “Ang Babae sa Septic Tank.”

While the movie raw is continuously receiving praises and awards from different award-giving bodies and film festivals locally and around the globe, nakadidismayang hindi ito napabilang sa Best Foreign Language category of the 84th Academy Awards.

Ang siyam na foreing films na napili ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) in the Best Foreign Language category shortlist at may pagkakataong manalo ng Oscar trophy are Bullhead (Belgium), Monsieur Lazhar (Canada), SuperClasico (Denmark), Pina (Germany), A Separation (Iran), Footnote (Israel), Omar Killed Me (Morocco), In Darkness (Poland), Warriors of the Rainbow: Seediq Bale (Taiwan).

Ang limang mapipiling finalists ay ihahayag sa January 24.

Well, dagdagan pa ni Uge ang kanyang galing para ma-recognize siya sa international scene. Bawas-bawasan ang angas, kagaya ni Vice Ganda ng hindi naliligwak ang mga opurtunidad.

***

Julia kontrabida sa buhay ni Kathryn

LALO nang lumalim ang hidwaan ng mga karakter nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa “Growing Up” matapos kapwa silang magbitaw ng mga paratang laban sa isa’t isa. Ngayong darating na Linggo (Enero 22), panahon na nga kaya para magkalimutan ang dating mag-best friends na sina Tammy (Julia) at Ella (Kathryn) lalo na at ikakasal na ang kanilang mga magulang? Alamin ang mga desisyong babago sa buhay ng “Growing Up” barkada ngayong Linggo ng hapon, pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.growingup.tv o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply