Dahil taga-ABS-CBN na: Iza Calzado bawal na sa GMA-7!

ISA nang lehitimong Kapamilya si Iza Calzado at dahil dito, mawawala na rin siya sa Eat Bulaga. Hindi na nga naman maganda na bilang Kapamilya, patuloy pa rin siyang mapanonood sa GMA-7 kahit sabihin pang block timer ang Eat Bulaga.

Gusto raw sana ni Iza na bago mawala sa noontime show, makapagpaalam muna siya sa staff at televiewers nito pero hindi na siya pinayagan dahil isa na nga siyang Kapamilya.

Isang young actress raw ang papalit kay Iza sa nasabing show at kung walang magiging aberya, ipakikilala na ito sa noontime show any day soon.

Anyway, anuman ang naging desisyon ni Iza na maging Kapamilya, sana ay naging maganda rin ang pamamaalam nito sa Kapuso Network.

Aminin man o hindi ni Iza, isang malaking kawalan ang Eat Bulaga sa kanya dahil laging nangunguna ang nasabing noontime show at pinapanood ng sambayanang Pilipino.

***

Bagong opisyales ng Philippine Movie Press Club nanumpa na!

BONGGA ang oathtaking ng bagong set of officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa RJ Bistro, Victoria Tower, Timog, Quezon City nu’ng January 24, 2 p.m.

Tuwang-tuwa ang PMPC officers at members dahil hindi binigo ng Star For All Seasons at Batangas Governor Ms. Vilma Santos ang imbitasyon ng organisasyon para sa kanyang harapan manumpa ang bagong PMPC officers.

Bago ang panunumpa sa kani-kanilang tungkulin ay nagkaroon muna ng munting programa hosted by Evelyn Diao, na isa ring PMPC member.

Ang outgoing president, Melba Llanera ang nag-opening remarks. Buung-puso siyang nagpapasalamat sa buong miyembro ng organisasyon sa tiwalang ibinigay sa kanya sa loob ng dalawang taon (2010 at 2011).

Dumalo rin sa naturang event ang Star Builder na si Kuya Germs (German Moreno). Nagbigay siya ng mensahe hindi lamang sa PMPC kundi sa lahat ng mga naroroong press people. Ganoon din ang producer ng Star Awards for Movies, Music and TV na si Tess Celestino.

Maging ang National Press Club (NPC) president, Mr. Jerry Yap ay personal na dumalo at siyang nagpakilala para sa guest of honor, walang iba kundi ang actress-politician, Gov. Vi (Ate Vi sa industriya).

Na-touch si Ate Vi sa pagpapakilala sa kanya ng NPC president lalo na nang sabihin nitong “Si Ate Vi, ang platinum actress ng industriya na ngayon ay iginagalang na gobernadora ng Batangas. Sa 2016 sana ay makita naman natin siyang sa Senado na nakaupo.”

Sa inspirational talk ng Star For All Seasons, nabanggit ni Ate Vi na golden anniversary na niya ngayong taong ito. At kilalang-kilala na rin niya ang mga miyembro dahil nakalakhan na niya ang PMPC kung saan 46 years ito ngayon (naitatag nu’ng 1966). Si Ate Vi ay nag-umpisang mag-artista nu’ng siya’y siyam na taong gulang pa lamang.

Pagkatapos manumpa ng mga bagong PMPC officers – Roldan Castro (President), Romel Galapon (Vice President), Jimi Escala (Secretary), Ador Saluta (Vice Secretary), Boy Romero (Treasurer), Blessie Cirera (Vice Treasurer), Joe Cezar (Auditor), Beth Gelena (P.R.O.) at Board of Directors: Julie Bonifacio, Veronica Samio, Letty Celi, Ernie Pecho, Gerry Ocampo, Timmy Basil at Benny Andaya — ay nagkaroon ng contract signing para sa Star Awards for Movies sa pangunguna ng Airtime Marketing producer, Ms. Tess Celestino with PMPC President-overall chairman ng 28th PMPC Star Awards For Movies, Roldan Castro at execom chairwoman Julie Bonifacio.

Gaganapin ang Star Awards sa March 14 at mapapanood ito sa ABS-CBN sa March 18. Ibabalik ng PMPC ang tradisyon na ito ang unang nagbibigay ng award at palabas sa telebisyon.

Nagpapasalamat din ang bagong PMPC officers sa lahat ng miyembro at mga past president ng organisasyon, mga kaibigang dumalo, ang talent-manager na si Lito de Guzman, comedienne-actress Chariz Solomon, talent-manager Ricky Gallardo at ang entertainment editors ng iba’t ibang newspapers.

Pinasasalamatan din ng PMPC ang mga sponsors para sa importanteng araw na ‘yun – Glutamax, Afficionado, Hammerhead, Brazilian Coffee, Erase Placenta at ang F&G Tailors, headed by Jowan and Jun dela Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply