Daing ng kawawang trabahador

“KAYO ANG BOSS KO”.

Sumikat ang katagang ito matapos sambitin ni Pangulong Noynoy Aquino lll sa inaugural day ng kanyang pagka-Presidente ng bansa.

Simple lang ang nais ipaabot ni PNoy. Pasasalamat niya ito sa mga sumuporta sa kanya, partikular ang nakararaming mahihirap.

Sino ba ang nakararaming mahihirap? Sila yaong mga maliliit na trabahador, tulad ng mga janitor, factory workers, atbp.

Sa masalimuot na kasalukuyang estado ng bansa, ‘di biro ang napakalaking problema na sinuong ng Pangulong Aquino.

True to his words,  nakikita naman sa Presidente ang ginagawang pagpupursige para mabago ang masamang kalakaran sa Pinas.

Pero ang sinasabi natin, dapat sa mga nakalinyang gagawin at isasakatuparan, dapat
ay may prayoridad para may matapos.

At sa ganang atin, isa sa dapat na unahin at bigyan ng prayoridad ni PNoy ay ang masalimuot na problema  sa labor industry.

Ang employer/employee ‘good atmosphere’ relationship ay kailangang  mangibabaw sa operasyon ng isang negosyo.

Kung maganda kasi ang relasyon ng employer at mga kawani, walang lilitaw na sigalot at smooth ang operasyon ng negosyo.

Nakahihiyang sabihin, pero ito ang katotohanan. Karamihan sa mga employer ay mga tuso at sakim sa kita sa kanilang mga negosyo.

Binabaluktot nila ang batas, sila’y gumagawa ng paraan para dayain ang mga benepisyo ng kanilang mga trabahador.

Bakit kanyo? Aba’y  napakaraming laborer na ang lumapit sa atin at idinaraing ang kanilang walanghiyang mga employer.

Noong nakaraang araw lamang, inireklamo sa Chokepoint ang Prime Colours Printing Corp. owners na sina Heidy at Edwin Cordero.

Ayon kay Ronillo C. Glori, 37, ng Longos, Malabon, ginawan siya ng kasalanan para siya’y masibak sa kanyang trabaho.

Taon na kumita ang mga Cordero sa resulta ng pagiging trabahador ni Glori at pagkatapos ay ganun na lamang ang ginawa sa kanya.

Napag-alaman natin na dinala na ni Glori ang kanyang problema sa National Labor and Relations Commission.

Sa NLRC, ang daing ng kawawang trabahador ay laging nasasapawan ng impluwensya at pera ng mga employer.

‘Yan ang katotohanan Pangulong Noynoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply