Dakpin ang pumatay sa testigo sa Dominguez case – Robredo

INIUTOS kaninang umaga ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa Bulacan Police na hulihin sa lalong madaling panahon ang pumatay sa isang testigo sa iligal na aktibidades ng  notoryus na Dominguez brothers car theft syndicate sa probinsya.

“I have directed the Bulacan police officials to work for the immediate manhunt, identification and arrest of the suspects who killed one of our witnesses against the Dominguez brothers car theft ring,” pahayag ni Robredo.

Ipinalabas ni Robredo ang direkatiba matapos makatanggap ng ulat na ang testigong si Cristina Bruan Rojas ay itinumba ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan matapos dumalo sa isang court hearing sa Malolos City sa kasong car theft laban kay Raymund Dominguez.

Sinundan aniya ng mga suspect at binaril si Rojas hanggang sa mamatay sa loob ng isang pampasaherong jeep sa isang bisinidad sa McArthur Highway habang ito ay papauwi sa kanilang bahay.

Ikinulong ang magkapatid na sina Raymund at Roger Dominguez matapos ang isa pang testigo na si Alfredo Mendiola ang nagnguso sa dalawa na siyang mastermind sa pagdukot at pagpatay kay car dealers Venson Evangelista and Emerson Lozano noong nakareaanga taon.

Kinilala rin ng Highway Patrol Group (HPG) ang magkapatid na Dominguez na mga lider ng isa sa tatlong major carjacking syndicates na  nag-ooperasyon sa Central Luzon. Robert C Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply