Dalaga isinakdal ang manyakis na tatay

WALANG pagsisisi na ipinakulong ng isang dalaga ang sariling ama na dalawang ulit na humalay sa kanya sa Bacolod sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, nakapiit na ang suspek na itinago sa pangalang Gerie, 45, matapos kasuhan ng panggagahasa ng sariling anak.

Nabatid na naghain ng reklamo sa Women and Children’s Complaint Desk ng Bacolod City Police Office si Amor, 20.

Sa pagsisiyasat ay inilahad ni Amor na dalawang beses siyang ginahasa ng kanyang ama sa loob mismo ng kanilang bahay.

Hindi aniya siya nakapanlaban dahil sa takot makaraang tutukan siya ng kalibre .38  revolver.

Sinasabing lasing ang naturang suspek nang gahasain ang kanyang anak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply