Dalagita binurdahan sa Maynila, patay

NASAWI ang isang 13-anyos na dalagita makaraang pagsasaksakin sa kanyang kwarto sa Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na naghihingalo pa ang biktimang si Adrienne nang matagpuan ito ng kanyang pamilya sa loob ng kwarto na nagtamo ng 11 na saksak sa dibdib, braso at ulo.

Ayon sa lola at tiyuhin ng biktima, nagising na lang sila at nakita ang duguang dalagita pero wala raw silang nadatnang suspek.

Hindi naman makapaniwala ang pulisya na walang nakapansin sa krimen, pero hinala ng pamilya, ang mga nangangalakal sa creek sa gilid ng bahay ang may kagagawan ng krimen dahil dati na raw silang nanakawan.

Naging palaisipan din ng pulisya kung bakit walang ninakaw na gamit sa bahay at hindi rin mahanap ang kutsilyong ginamit sa krimen at ayon na rin sa mga kapitbahay, wala silang napansing pumasok sa bahay kaya’t nagpasya ang pulisya na imbitahan ang mga kamag-anak ng biktima.

Isang testigo ng barangay naman ang lumutang at nagsabing nakita niya ang tiyuhin ng biktima na si Ronald Pelaez na tumawid palabas ng creek at bumalik din sa bahay.

Itinanggi naman ni Pelaez ang paratang.

Kasalukuyang hinihintay pa ang resulta ng autopsy report para malaman kung pinagsamantalahan din ang biktima bago ito pinatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply