Dalagitang binuntis ni lolo, nagpa-abort

NALAGAY sa peligro ang buhay ng isang katorse-anyos na dalagita sa Cagayan de Oro City matapos magpasya ang pamilya nito na ipalaglag ang sanggol na kanyang dinadala na bunga naman ng panggagahasa ng sariling lolo, target na ng manhunt operation.

Sa report ng pulisya, tinutugis na ng awtoridad ang lolo na humalay sa kanyang sariling apo na itinago sa pangalang Amor, sa nasabing lalawigan.

Nabatid na nabulgar lamang ang ginawang panghahalay ng suspek na si Mang Kanor sa kanyang apo nang lumobo ang tiyan nito na ikinagulat ng mga magulang ng bata.

Ayon sa biktima, noong nakaraang buwan pa ng Oktubre ginawa ng nasabing lolo ang panghahalay sa kanya pero natakot siyang magsumbong sa mga magulang dahil nagbanta ang suspek na siya ay papatayin.

Lumalabas na tutol ang pamilya maging ang biktima sa magiging bunga ng panghahalay ng kanyang lolo at sa kahihiyang idudulot nito kaya nagpasya ang pamilya ng biktima na ipalaglag ang batang ipinagbubuntis nito.

Subalit dahil malaki na ang sanggol sa kanyang sinapupunan at sa murang edad ng dalagita ay nagkaroon ito ng kumplikasyon dahilan kaya itinakbo na sa Northern Mindanao Medical Center.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply