Dalawang taong tigang sa lalaki!

INAMIN ni Solenn Heusaff na dalawang taon siyang tigang sa pakikipag-boyfreind.

Naging abala kasi siya sa kanyang mga showbiz commitments simula ng mapasama siya sa Celebrity Survivor ng GMA-7.

Pero ngayon isang non-showbiz/foreigner ang boyfriend diumano ni Solenn at ito ang kanyang kasama sa pagdiriwang ng bagong taon.

-0o0-

MABUTI naman dahil karamihan ng link sa sex video nina Ramgen Revilla at Janelle Manahan ay hindi na mabuksan para mapanood. Kahit sa YouTube ay tinanggal na.

Pero sad to say, nakopya na ito sa cellphone at naka-upload din daw sa Xtube.

Sana nga lang ay matanggal din ito sa Xtube bilang pagrespeto sa isang yumao na at kawawa rin naman si Jan.

-0o0-

ABS-CBN ang nananatiling number one TV network para sa mga Pilipino sa buong bansa, lalo na pagdating sa primetime (6 p.m. to 12 m.n.) kung kailan may pinakamaraming taong nanonood ng telebisyon.

Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media para sa kabuuang 2011, nakakuha ang ABS- CBN ng 42 percent national audience share para sa primetime o mga panggabing palabas (6 p.m. to 12 m.n).

Sa buwan ng Disyembre 2011 lamang, tinutukan ng mas maraming kabahayan ang mga programa ng ABS-CBN dahil humataw ito ng 42 percent national audience share laban sa 31 percent ng GMA. Patuloy din ang pagwawagi ng ABS-CBN sa Metro Manila TV ratings dahil sa average audience share nitong 36 percent kumpara sa GMA na nakapagtala lang ng 34 percent.

Pumatok sa TV viewers noong nakaraang taon ang mga Kapamilya teleserye, news, at talent reality program. Sa katunayan, 21 ABS-CBN shows ang namayagpag sa 2011’s top 30 programs (hindi kabilang ang TV specials) at ang top 16 slots dito ay pawang mula sa Kapamilya Network.

Pagdating sa teleserye, walang nakaagaw sa paghahari ng ABS-CBN, patunay dito ang pagpasok ng siyam nitong drama sa ‘top 10 most-watched programs’ noong 2011 na pinangunahan ng Mara Clara (33.4%) at sinundan naman ng 100 Days to Heaven (32.6%), Mutya (32.4%), Minsan Lang Kita Iibigin (29.4%), Ikaw ay Pag-ibig (29.2%), Budoy (28.8%), Maalaala Mo Kaya (28.2%), Noah (28%), at Guns and Roses (27%).

Samantala, TV Patrol lamang ang nag-iisang TV newscast na nakapasok sa top 10 programs ng 2011. Nanatili itong number one TV newscast sa bansa sa average TV rating nitong 27.2 percent.

Pilipinas Got Talent naman ang pinaka-pinanood na talent reality-search na nasa ika-11 puwesto taglay ang average TV rating na 26.8 percent, samantalang nanguna naman sa public affairs programs ang Rated K na nasa top 14 na average TV rating na 23.8 percent.

Number one TV sitcom ng bansa ang Toda Max na may 20.8%, samantalang tinalo naman ng Goin Bulilit ang iba pang gag shows noong 2011 sa average TV rating nitong 20.7%.

Sa kabuuan, napanatili ng ABS-CBN ang pagiging number one TV network sa bansa sa 36 percent audience share nito noong 2011.

Nakapagtala ang ABS-CBN sa unang siyam na buwan ng 2011 ng net income na P2.2 billion.

-0o0-

ISANG benefit pre-Valentine concert ni Ai-Ai delas Alas ang mapanonood sa January 21, 2012, Saturday sa Zirkoh, Tomas Morato para sa fund raising show ng National Press Club entitled “Ai Luv It” kung saan guest niya sina Derek Ramsay at Matteo Guidicelli. Ito’y para medical at educational assistance program ng NPC members and their immediate family.

Front acts ang Viva Hot Babe na si Zara Lopez, Boobsie, Raia Quiroz, Jograd Dela Torre, Mark Mabasa, Sherwin Lucas at Arthur Pangilinan. Ito ay sa direksyon ni Leklek Tumalad.

Sa February 4 ay simula naman ng anniversary show ng Zirkoh ,Tomas Morato kung saan tampok sina Jose Manalo, Wally Bayola, Enchong Dee at Valerie Concepcion. Ito’y pinamagatang ‘ LOL: Love Over Laff’. Para rin ito sa nalalapit na  Araw ng Mga Puso.

Directed by Leklek Tumalad.

Para sa tiket, tumawag sa 7100352, 09215498931 o SM Tickets 470-2222.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply