Dangal ng kongresista nabibili ng pera

SA takbo ng mga pangyayari, sa isang iglap lang ay magtutuloy-tuloy na ang impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona matapos na tila baga dumaan ito sa “Liberal Party Express.” ‘Yun bang ‘buklat-aprub’ ng ating mga kongresman sa mga reklamong inihain kay Corona sa Kongreso.

Binuklat lang ng mga mambabatas ang reklamo kung saan sila dapat pumirma at kahit wala silang alam at hindi pa man nila napag-aralan at nabasa ay hayun  pumirma na rin sila! Nasabi natin ito dahil sa mga bibig na rin nila mismo lumabas na lumagda sila (180) sa reklamong ‘articles of impeachment’ dahil na rin sa takot na sila’y hindi matanggap ang kani-kanilang mga pork barrel, eh magpa-Pasko pa naman. Patay kang Corona ka.

Hehehe.

Sa totoo lang, mga pare ko, kung nasunod ang proseso dapat ay hinimay-himay muna nila ito nang mabuti bago dumaan sa debate at pagkatapos ay saka sila magbotohan kung dapat nga itong isampa sa Senado bilang “Impeachment Court,”upang doon ito “sentensiyahan.

”Pero kwidaw, bago ang Bagong Taon, lumabas sa website ng Department of Budget and Management (DBM) ang detalye ng gastos ng pork barrel ng ating mga mambabatas. Ngayon reklamo ng ilang kasamahan sa media na hindi na ito ma-acces at underperiodic maintenance” daw? Hmmm…hindi kapani-paniwala.

E ang balita ko, P1 milyon  ang umano’y natanggap ng mga lumagda bilang “bonus” bukod pa sa pork barrel.

Ang ‘double benefit’ siyempre ay kabayaran sa dangal ng sinasabi nilang boses ng bayan sa Kongreso na kinakatawanan ng mga magagaling na kongresista para paboran ang gustong mangyari ni PNoy na alisin si Corona sa SC “by hook or by crook.”

Ano na ba ang nangyayari sa dangal ng kongresmen, lagi na lamang bang “for sale?” Kawawa naman si Corona na ang sala lang ay maging midnight appointee lang siya ni CGMA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply