Danyos sa nagsarang Manila Chronicle binawasan

 

IMBES na P38.5 million ang halaga ng danyos na babayaran ng may-ari at staff ng nagsarang pahayagang Manila Chronicle ay ibinaba na lamang ito sa halagang P11 milyon ng Supreme Court (SC).

Ang nasabing danyos ay may kaugnay sa kasong libelo kung saan hinatulan ng guilty ang may-ari ng pahayagan at staff nito matapos na maglathala ng diumanoy mapanirang mga artikulo laban sa negosyanteng si Alfonso Yuchengco.

Sa 14-pahinang resolusyon na isinulat ni Justice Diosdado Peralta ng Special Third Division, pinagtibay ang hatol na guilty laban sa Manila Chronicle.

Sa naunang desisyon ng korte noong Nobyembre 25, 2009, ang nakatakdang babayaran sana ng nasabing pahayagan ay P38.5M ngunit naibaba ito sa halagang P12.4 milyon.

Gayunman, iniutos ng hukuman na bayaran na lamang ng Manila Chronicle Publishing Corporation at ng publisher nito na si Roberto Coyiuto ang halagang P11 milyon habang pinagbabayad naman ng P1.4 milyon ang mga staff na sina Noel Cabrera, Thelma San Juan, Neil H. Cruz, Ernesto Tolentino, Donna Gatdula, Raul Valino at Rodney Diola.

Iniutos din ng hukuman na magbayad ang mga nahatulan ng halagang ng P200,000 para sa nagastos sa litigation.

Ang naturang kaso ay  nag-ugat sa  lumabas na artikulo  na nalathala noong Disyembre 1993 kung saan inilarawan si Yunchengco bilang isang Marcos crony at masamang tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply