Dapat turuan ng tamang poise at pagdadala ng gown ang mga babaeng artista

PINAGPIPISTAHAN ngayon sa Facebook at YouTube ang pagkatapilok at pagkadapa ni Angeline Quinto habang kumakanta sa ASAP.

Marami ang humanga sa kanya dahil tinuloy pa rin niya ang pagkanta. The show must go on ika nga.

“‘Yan ang tunay na performer kahit nadapa ay bumangon pa rin,” papuri sa kanya.

“Dapat munang turuan ang mga female talents on how to carry a gown, like proper posture and poise,” komento  naman ng movie columnist.

Tamaaa!

-0o0-

SUMAGOT si Kris Aquino sa ‘Gandang Gabi Vice’ tungkol sa hula sa kanya ngayong 2012 na mabubuntis siya ni Coco Martin.

“Humanda ka Rodel (tunay na pangalan ni Coco),” sey ni Kris dahil kilala niya ang nasabing manghuhula.

Dati raw ay nasa ‘The Buzz’ ang psychic na ‘yun ay hinulaan niyang lalaki ang anak niya habang ipinagbubuntis niya si Bimby samantalang ang buong akala nila ay girl ang magiging anak niya.

Ito rin daw ang nanghula na maghihiwalay sila ni James Yap.

Nag-react din siya sa isyu kaugnay ng pagkapanalo ng Best Actor ni Dingdong Dantes sa filmfest entry nila na “Segunda Mano.”

“Sagutin ko lang ang accusations na ‘yon. Isa lang naman ang napanalunan. Para roon sa nagsasabi, parang si Dingdong anak din siya ng Diyos, may karapatan din siyang magkaroon ng trophy,” deklara niya.

“Hindi naman ako garapal sa prayers. Dalawa lang naman talaga ang hiniling ko. God please make the movie No. 2, binigay naman ni God ‘yung pagiging No. 2. The other prayer was not for myself, it was for Dong. Sabi ko please make him best actor. Ibi -nigay ni God. Di ba hindi selfish?” deklara niya.

Sige na nga!

-0o0-

ISANG benefit pre-Valentine concert ni Ai Ai delas Alas ang mapapanood sa January 21,2012, Saturday sa Zirkoh, Tomas Morato para sa fund raising show ng National Press Club entitled “Ai Luv It” kung saan guest niya sina Derek Ramsay at Matteo Guidicelli. Ito’y para medical at educational assistance program ng NPC members and their immediate family.

Kasam rin ang Viva Hot Babe na si Zara Lopez, Boobsie, Raia Quiroz, Jograd Dela Tor -re, Mark Mabasa, Sherwin Lucas at Arthur Pangilinan.

Sa February 4 ay simula naman ng anniversary show ng Zirkoh, Tomas Morato kung saan tampok sina Jose Manalo, Wally Bayola, Enchong Dee, Valerie Concepcion at Frenchie Dy. Ito’y pinamagatang ‘LOL: Love over Laff’. Ito’y para rin sa nalalapit na Araw ng Mga Puso. Kasama rin dito sina Lemuel Santos w/ L.S. Band, Kenjie Mercado at Rain Javier.

Ang dalawang show ay nasa ilalim ng  direksyon ni Leklek Tumalad.

-0o0-

SA UNANG pagkakataon ay sabay na makatatrabaho ni Cherie Gil ang kanyang mga pamang -king sina Geoff Eigenman at Sid Lucero sa GMA soap opera ang ‘LEGACY’.

“First time ko silang makakasama sa trabaho and I’m happy to work with them,” bula- las ng magaling na aktres.

Sino sa dalawang pamangkin niya ang mas magaling umarte?

“Actually parehas silang mahusay pagdating sa pag-arte, may kanya-kanya lang siguro silang style, for me I have no doubt sa kakayahan nina Geoff at Sid,” sey pa niya.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply