Dating alkalde ng Iloilo nasangkot sa pamamaril arestado

KUSANG nagtungo sa pulisya upang sumuko ang dating alkade ng Banate, Iloilo makaraang masangkot sa insidente ng pamamaril.

Nabatid sa imbestigasyon na nakagitgitan ng minibus na minamaneho ni Rolando Adriatico ang Toyota Hi-Lux kung saan nakasakay si dating Mayor Carlos Cabangal.

Dahil dito, nagkainitan ang dalawa at saka binunot umano ni Cabangal ang kanyang .45 baril at agad na pinaputukan si Adriatico.

Tinamaan sa kanang kamay ang biktima na agad na dinala sa ospital habang sumuko naman ang suspek sa istasyon ng pulis sa kanilang munisipyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply