Dating judge dinisbar ng Supreme Court

TULUYANG tinanggal sa pagka-abogado ang isang dating hukom dahil sa hindi pagiging karapat-dapat na miyembro ng Integrated Bar of the Philippines.

Kaugnay nito, inatasan  ng Korte Suprema ang Office of the Bar Confidant na alisin na ang pangalan ni Atty. Daniel Liangco sa rolls of attorney.

Batay sa resolusyon ng Korte Suprema, si Liangco ay napatunayang guilty ng gross misconduct dahil sa paglabag sa Canon 1 ng New Code of Judicial Conduct at ignorance of the law dahil sa paglabag sa Code of Professional Responsibility.

Si Liangco ay una nang nasibak sa pagiging hukom matapos na magpalabas ng kautusan na pabor sa isang alkalde sa Pampanga.

Ito ay may kaugnayan sa inilabas na resolusyon ni Liangco na nagbibigay ng go signal sa pag-demolish sa bahay ng isang Hermogenes Gozun na pag-aari ni Mayor Jovito Bondoc.

Gayunman, sa pagsisiyasat ng korte ay nakitaan ng paglabag si Liangco partikular na sa due process ng complainant.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply