David Archuleta nasa bansa para sa gagawing TV series

NASA bansa ngayon ang sikat na international pop singer na si David Archuleta para sa gagawing TV mini-serye sa TV5.

Sa nasabing mini-serye, ay makakatambal niya ang utol ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis. Makakasama rin nila ang papasikat na si Eula Caballero na nagmula sa “Star Factor” ng nabanggit ding istasyon.

Tulad ng dati, mainit pa ring tinanggap ng mga Pinoy fans ang American Idol Season 7 runner-up.

Sa katunayan, bonggang sinalubong si Archuleta ng kanyang mga fans sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na labis na ikinagalak ng singer.

Maging sina Jasmine at Eula ay sumalubong din kay Archuleta sa paliparan.

Excited man sa gagawing serye ay inamin pa rin ng mahusay na singer na kinakabahan siya.

“I’ve always been nervous about things when it comes to acting.” anang batang singer. “But I just thought because… the Filipino fans are very supportive and very warm it kind of made it easier to [say], ‘Okay, let’s try it.'”

Mananatili ng tatlong linggo si Archuleta sa bansa.

Ito rin ang kanyang ikaapat na pagbisita sa Pinas.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ni Archuleta ay ang “Crush,” “Little Too Not Over You,” “Elevator,” at “Something ’bout Love.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply