Day 2: Depensa masaya sa resulta ng trial

NATUWA ang depensa sa kinalabasan ng ikalawang araw ng impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos na magdesisyon ang Senate Impeachment Court na hindi na subpoena-han ang pamilya ni Corona.

Ani Atty. Tranquil Salvador, abogado ng depensa, tama lang na hindi ipatawag ang asawa at mga anak ni Corona dahil ayon sa batas, hindi maaaring tumestigo laban sa punong mahistrado ang kanyang sariling pamilya.

Masaya rin sila sa pahayag ng impeachment court na hindi maaaring tumestigo si Corona laban sa kanyang sarili dahil makakasira ito sa kanya.

Samantala, ani Salvador, hindi pa nila tiyak kung ano ang uunahing article bukas (Enero 18) dahil nakadepende ito sa ihahaing pagkakasunod-sunod ng walong articles of impeachment ng prosekusyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply