DAY 2: Impeachment trial nauwi sa komedya

PINAGTAWANAN ng mga nanonood ng impeachment trial si Cavite Rep. Elpidio Barzaga dahil sa pangangatuwiran nito kaugnay sa authenticity ng mga dokumento ng prosekusyon.

Ito ay makaraang tanungin ni Presiding officer Senador Juan Ponce Enrile ang kongresista kung gaano katotoo ang mga hawak nilang dokumento na tinututulan ng depensa.

Ang naging tugon ni Barzaga, computer generated ang kanilang datos kaya hindi niya masabi kung authentic iyon o hindi.

Kaya hiniling ng mambabatas na ipagpaliban ang proceeding, pero napapailing lamang ang senator-judges sa mga hirit nito.

Gayundin, inamin ng kampo ng prosecution panel na hindi pa sila handang iprisinta ang unang article of impeachment o ang usapin ng partiality ni Chief Justice Renato Corona sa mga kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Iginigiit kasi ni Barzaga na unahing talakayin ang isyu ng article 2 o ang isyu ng SALN ng punong mahistrado.

Sa panig naman ng depensa, sinabi ni dating Justice Serafin Cuevas, nakahanda na silang makipagbanggaan sa mga banat ng prosekusyon, pero hindi pa pala handa ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply