Day 7: Henares gigisahin ng defense team

SINASABING isasalang ng depensa sa cross examination si Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa ika-pitong araw ng impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona mamayang alas 2:00 ng hapon.

Ani Attorney Mon Esguerra, kung matatapos na ang direct examination kay Henares mamaya, agad nilang isasagawa ang pag-cross examine.

May mga bagay aniya silang lilinawin sa mga naging testimonya ni Henares.

Nilinaw din ni Esguerra ang kinukwestyong ipinambili ng lote sa La Vista ni Ginang Cristina Corona at sinabing kinuha ng huli ang ang pambayad rito sa inutang na pera mula sa kumpanya na pag-aari ng pamilya ni Ginang Corona na Basa-Guidote Enterprises Incorporated.

Ang pinagbentahan naman aniya ng naturang lupain gayundin ang lupa ng mga Corona sa Ayala Heights ang ipinambili sa mga condo sa Bellagio at sa Boni Ridge sa Taguig City.

Una nang ibinunyag ni Henares kahapon sa ang kita at buwis na binayaran ng mag-asawang Corona, na lumitaw na hindi nagsumite ng income tax return (ITR) at buwis si Cristina Corona mula 1992 hanggang 2002 at nagparehistro lamang bilang one time tax payer noong Setyembre 9, 2003 na bahagi ng transaksyon nang pagbili sa P11 milyong halaga ng La Vista property.

Habang si CJ Corona naman ay lumalabas na walang ITR mula 2002 hanggang 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply