Day 7: Private prosecutor sinabon ni Miriam

ILANG minuto pa lang na nagsisimula ang ika-pitong araw ng impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay nasermunan agad ni senator-judge Miriam Defensor-Santiago ang private prosecutor na si Atty. Arthur Lim.

Nag-init ang ulo ng senadora nang hindi masagot nang direkta ni Lim ang kanyang mga tanong.

Nais kasi na maliwanagan ni Santiago kung inaakusahan ba ng House prosecution panel si Corona sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practies Act.

Sa halip na direktang sumagot ay sinubukan pang magpaliwanag ni Lim na lalong nagpainit sa ulo ng senadora.

“I’m tired of hearing your voice… answer yes or no,” may pagdiing sabi ni Santiago.

Muling ipinilit ni Lim ang kanyang argumento na tila nakikipag-debate, at dahil dito, nagbanta ang senadora na ipapa-disqualify niya ang prosekyutor.

“This is the end of the colloquy. How dare you raise questions to my authority. Be careful because I might request to inhibit you, or disqualify you from appearing here.”

Ilang oras pa ang lumipas habang gumugulong ang paglilitis ay nilisan ni Santiago ang session hall matapos sumpungin ng hypertension.

Nabatid na umabot sa 180/90 ang blood pressure ng senadora na agad namang sinuri ng nakaantabay na doktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply