DAY 8: Corona idiniin sa McKinley property

NANINDIGAN ang finance director ng Megaworld Corporation na mismong si Supreme Court Chief Justice Renato Corona at kanyang misis ang bumili ng P6.1 million halaga ng real estate property sa McKinley Hill sa Taguig City.

Sa pagharap sa impeachment court, inihayag ni Giovanni Ng, na ang mag-asawang Corona ang totoong nagbayad ng nasabing ari-arian para sa kanilang anak na si Ma. Charina.

Inamin naman ng testigo na nakapangalan sa anak ang deed of absolute sale ng ari-arian.

Batay sa alegasyon ng House prosecution panel, ginamit ng punong mahistrado ang misis at anak nito bilang “dummy” sa mga nakaw na yaman.

Kinuwestyon din ng prosecution ang kakayahan ni Corona na bumili ng nasabing mga ari-arian gayong hindi nito kaya kung pagbabasehan lamang ang sahod ng isang government official.

Pero sa panig ng depensa, nilinaw ni Atty. Karen Jimeno na hindi nangangahulugang pera ng punong mahistrado ang ipinambayad sa nabanggit na ari-arian.

Sa paliwanag ng abogado, normal lamang na lalabas ang pangalan ng Chief Justice sa resibo dahil siya ang tumatayong “attorney-in-fact” ng kanyang anak sa nasabing transaksyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply