DBM binatikos sa maling website informations

HINDI maintindihan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., kung mali ang mga impormasyong inilatag ng Department of Budget and Management (DBM) sa paggastos ng sariling Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa pork barrel.

Kanina ay binatikos ni Revilla ang DBM sa paglalagay ng maling impormasyon sa website ng ahensiya na nagsasabing nilustay ng senador ang halos buong P200 milyong pork barrel sa pagbili ng multi-cabs para sa sariling lalawigan sa Cavite.

“Mali ang report ng DBM,” ayon kay Revilla.

Base sa website ng DBM, umabot sa 529 multicabs ang nabili ng tanggapan ni Revilla na nagkakahalaga ng P115 milyon taliwas sa tunay na bilang na 23 multicabs ang aktuwal na napondohan ng kanyang tanggapan.

“Walang acquisition ng 529 multicabs para sa Cavite. The report reflected that entry 23 times. Kaya yung 5 million, naging 115 million,” paliwanag pa niya.

“Umabot lamang sa 23 multicabs ang nabili ng ating tanggapan, taliwas sa data na nakalagay sa website ng DBM noong Martes, at hindi P115 milyon ang halaga kundi P5 milyon lamang,” dagdag ng senador.

Natuklasan ng tanggapan ni Revilla na 23 beses inulit ng website ang halagang P5 milyon kaya nagkadoble-doble ang bilang ng halaga na umabot sa P115 milyon.

“Dapat linawin ito ng DBM.  Lumalabas tuloy na napalaki masyado ng PDAF ko kaysa sa aking mga kasamahan.  Dapat nilang itama ito dahil lumalabas sa ulat na nadagdagan ito ng P110 milyon,” ani Revilla.

Sa masusing pag-susuri ng PDAF appropriations ng senador, matutukoy na ang karamihan sa mga alokasyon (P45 milyon) ay napunta sa financial at medical assistance sa buong bansa at hindi sa pagbili ng patrol vehicles.

Ang ibang alokasyon naman ay para sa pagsasaayos ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply