De Lima ipinatawag ng korte sa pagsibak kay Gatdula

IPINATAWAG ng Manila Regional Trial Court (RTC) si Justice Sec. Leila de Lima para sa pagdinig sa petisyon ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Magtanggol Gatdula.

Batay sa subpoena ni Manila RTC Judge Felixberto Olalia, nakasaad na pinapaharap si De Lima sa gagawing pagdinig sa Lunes, alas-10:00 ng umaga.

Una nang nagpalabas ang korte ng TRO na iiral sa loob ng 72 oras laban sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng DoJ sa reklamong kidnapping at extortion laban kay Gatdula.

Sa tatlong pahinang kautusan, nakasaad na may kapangyarihan ang korte na ikonsidera ang aplikasyon para sa pagpapalabas ng TRO lalo na kung ang kaso ay napakahalaga at ang aplikante o ang petitioner ay daranas ng grave injustice at irreparable injury.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply